CAVITE –Pansamantalang itinigil ang pagbabakuna sa Tanza, Cavite simula noong Lunes hanggang Miyerkoles matapos maiulat na 18 vaccinator health workers ang tinamaan ng coronavirus.
Sinuspinde ito matapos ang isinagawang mass swab testing sa lahat ng mga empleyado ng city hall kabilang ang health workers.
Kabilang sa tinamaan ng virus ang 7 nurses at midwives at 11 barangay health workers.
Asymptomatic ang mga vaccinator na kumpleto na sa bakuna habang inaalam na ang kanilang mga naka-close contact sa vaccination area.
Hinihinalang nakuha rin ito sa mga taong nagpapabakuna na itinatago ang tunay na lagay ng kanilang kalusugan tulad ng mga may sipon at lagnat na nagnais pa ring magpabakuna.
Ayon kay Municipal administrator John Sanarez, “According to our municipal health officer, what they are looking at here may also be in the vaccination area because some of our people are vaccinating… They are hiding something, for example they have a fever.”
Sa ngayon, mayroon nang 4,000 kaso ng COVID-19 sa Tanza habang 400 rito ay aktibong kaso.
Ipagpapatuloy ang bakunahan sa Tanza sa ngayong araw ng Huwebes. (CYRILL QUILO)
