IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Bureau of Internal Revenue (BIR) chief Caesar Dulay na magsagawa ng malawakang balasahan sa kanyang mga tauhan matapos maalis sa trabaho ang ilan sa mga ito dahil sa di umano’y iregularidad.
“Magbalasa ka ng tao tapos ibigay mo sa’kin ang listahan and I will review. I-reshuffle mo. Saka ‘yung medyo nagkaroon na ng reputasyon, ‘wag mo nang bigyan ng assignment. Sa office mo na lang,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang lingguhang public address, Lunes ng gabi.
Sa kabilang dako, binasa naman ni Pangulong Duterte ang pangalan ng ilang government workers na nadispatsa sa serbisyo dahil sa pagkakadawit sa corrupt practices.
“I’d like to give you the list of personnel dismissed from service. Mederico Villablanca, BIR – dismissed. Hindi ko na sabihin, alam mo na kung ano nitong mga kasalanan nito. Basta BIR alam mo na, hindi na kailangan…Virgilio Samley; Alexander Fuentes; Samuel Descartin; Dindo Roxas; Lourdes Agao; Rolando [Aguilan]; [Edward] Dennis Eloja; Isabelo Gonzales; Arleen Manangan; Alexander Lomondot, sa BIR — ito ah hindi na sa BIR — sa DAR, back person. May pending — pending ano ito, may pending na kaso. May isang kaso pa,” ayon sa pangulo.
“[Felino] Pantaleon; Josephine Bautista; Mary Magdalene — susmaryosep ang pangalan — Esperancilla; Lopito Clemente; Jelou Anthony Paca. Ah tingnan ko kung wala na ba. Susma… Nathaniel Echavez; Nasser Disalongan; Hebnie Canda — ito sila sa barangay. Department of Education, Hebnie Canda; Badiangan High School, Rona Salarda Quintero; Municipality of Biliran, Corazon Gervacio; Municipality of Aloguinsan, Cebu, Christopher Perez Brigoli. Sa Tagbilaran is Christianne Ipanag. Itong sa — si Christopher, BIR. Itong si Gervacio, revenue collection. Janet Champlon, Barangay Lanag, Santa Barbara, Iloilo — barangay teacher, grave dishonesty, grave misconduct,” dagdag na pahayag ng pangulo.
Samantala, pinalawig naman ng chief executive ang kanyang direktiba sa lahat ng directors sa lahat ng departamento.
“Kung may pinagdududahan kayo… relieve that employee and assign mo sa opisina mo. Freeze mo na lang,” ayon sa punong ehekutibo.
Nauna rito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa Department of Justice, na pangunahan ang task force na mag-iimbestiga sa buong pamahalaan para sa korapsyon. (CHRISTIAN DALE)
