MULING nagdulot ng mga alalahanin ang tungkol sa safety standards at protocols para sa katulad na mga sasakyang panghimpapawid ang pagkawala ng isang Cessna plane na may sakay na dalawa katao, ilang sandali matapos lumipad mula sa Cauayan Domestic Airport sa Isabela noong Huwebes ng umaga.
Ito na ang ikaapat na Cessna plane na naiulat na nawala sa Luzon ngayong taon.
Ang naunang tatlo ay natagpuang pawang wasak at walang mga nakaligtas, batay sa mga talaan mula sa aviation authorities.
Ang insidente noong Huwebes ay sangkot naman ang isang cyclone light aircraft na nagsisilbing air taxi na may tail number RP-C1234 at pinalilipad ni Capt. Levy Abul II, ayon kay Capt. Eduard Caballero, hepe ng Cauayan Airport Police.
Isang hindi pa tinukoy na pasahero ang sakay rin ng eroplano.
Umalis ang Piper aircraft mula sa Cauayan Airport dakong alas-9:40 ng umaga at nawalan ng komunikasyon sa airport tower makalipas ang ilang minuto.
Inaasahang darating ito makalipas ang 25 minuto sa airport sa Palanan sa Palanan, Isabela, mga 70 kilometro mula sa paliparan ng Cauayan, ngunit sinabi ni Caballero na hindi dumating ang sasakyang panghimpapawid at nanatiling nawawala hanggang noong Huwebes ng hapon.
Walang kaagad na makuhang impormasyong ang mga awtoridad sa eksaktong lokasyon kung saan nawala sa radar ang eroplano.
Ang Isabela at ang malaking bahagi ng Cagayan Valley Region ay nakararanas ng malalakas na pag-ulan simula noong Miyerkoles dahil sa umiiral na northeast monsoon, o amihan.
Ngunit hindi pa matukoy ng mga opisyal ng airport ng Cauayan kung ang masamang lagay ng panahon ang posibleng dahilan ng pagkawala ng eroplano.
Idineploy na ang mga team ng mga emergency responder para hanapin ang nawawalang eroplano at ang dalawang sakay nito.
(NILOU DEL CARMEN)
196