1 PATAY, 1 SUGATAN SA TRIKE VS BOOM TRUCK

BATANGAS – Patay ang driver habang sugatan ang pasahero nang makasalpukan ng sinasakyan nilang tricycle ang isang boom truck sa national highway, Bypass Road sa Brgy. Sta. Cruz, Sto. Tomas City noong Martes ng gabi.

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Metro Lipa Medical Center sa Lipa City ang biktimang si Lito Orig, 37, habang nilalapatan naman ng lunas ang pasahero nitong si Bartolome Sogoni, 53, parehong taga Brgy. Ibabang Pagsabangon, Pagbilao, Quezon.

Ayon sa report ng Sto. Tomas City Police, dakong alas-10:30 ng gabi nang makasalpukan ng tricycle ng mga biktima ang kasalubong na boom truck na minamaneho ni Dioscoro Badilla Jr., 56, taga Calapan, Oriental Mindoro.

Ayon sa mga imbestigador, sa mismong gitna ng kalsada nagkasalpukan ang dalawa kaya hindi pa matiyak kung sino ang may kasalanan sa dalawang driver.

(NILOU DEL CARMEN)

54

Related posts

Leave a Comment