1 PATAY, 2 SUGATAN SA TAMA NG KIDLAT

SOUTHERN LEYTE – Isa ang patay habang dalawa ang sugatan makaraang tamaan ng kidlat ang tatlong estudyante sa Brgy. Asuncion, Maasin City noong Lunes ng gabi.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Eastern Visayas Medical Center sa Tacloban City ang biktimang si Jhundel Suganob, 19-anyos.

Sugatan naman at naka-confine sa Southern Leyte Provincial Hospital ang dalawa na sina Alexis De Vera, 20, at Cezar Ray Batas, 21-anyos.

Ang tatlo ay criminology students ng Saint Joseph College sa Maasin City.

Ayon sa imbestigasyon, ang tatlo ay nasa sunken garden park sa Capitol compound nang bumuhos ang ulan na may kasamang mga kulog at kidlat dakong alas-6:00 ng gabi.

Ngunit gumuhit umano ang isang matalim na kidlat, tumama ito sa puno subalit gumapang sa lupa ang boltahe at inabot ang tatlong estudyante na nasa lugar malapit lamang sa puno.

(NILOU DEL CARMEN)

258

Related posts

Leave a Comment