ISA ang patay makaraang masunog ang isang motor tanker Sea Horse sa Alpha Anchorage Area, Batangas noong Linggo ng umaga, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon sa PCG-Batangas, agad silang nakipag-coordinate sa Bureau of Fire Protection at sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office para humingi ng tulong hinggil sa insidente.
Mabilis namang naglunsad ng search and rescue operation para sa kinakailangang tulong.
Samantala, tatlong tugboat, kabilang ang Motor Tug Great Lark, Motor Tug Sedar 7, at Motor Tug Sedar 8, na malapit sa pinangyarihan ng insidente, ang agad na tumulong para maapula ang apoy.
Tumulong din ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard Diesel Fast Boat (DF 308) kasama ang Bureau of Fire Protection na nagsagawa ng fire combat operation sa barko.
Bandang alas-11:00 ng umaga nang idineklarang fire-out ang distressed vessel.
May isang naitalang namatay sa insidente na patuloy pa ring inaalam ang pagkakakilanlan.
(RENE CRISOSTOMO)
171