13 APPOINTEES PINANGALANAN NG MALAKANYANG

IPINALABAS ng Malakanyang ang pangalan ng 13 bagong appointees kabilang na si dating Foreign Affairs at Justice undersecretary Brigido Dulay.

Opisyal na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Dulay bilang Inspector General ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police (PNP).

Kasama rin sa listahan ang bagong apat na miyembro ng Bases Conversion and Development Authority Board of Directors na sina Maricris Carlos, Paul Christian Cervantes, Pablo De Borja at Bryan Matthew Nepomuceno. Si Larry Lacson ay itinalaga naman bilang Acting Administrator at miyembro ng National Food Authority councils.

Si Eric Zerrudo naman sa National Commission for Culture and the Arts Executive Director.

Ang Cultural Center of the Philippines (CCP) ay mayroong tatlong Board of Trustees members, ang mga ito ay sina Felix Duque, Gizela Gonzales at Kaye Tinga.

Samantala, ang iba pang appointees ay sina Luz Jordana Jose bilang Director IV ng Department of Health at sina Arthur Ledesma at Romeo Prestoza bilang acting members ng John Hay Management Corporation Board of Directors.

(CHRISTIAN DALE)

59

Related posts

Leave a Comment