TAG-INIT PINAGKAKAKITAAN NG POWER GENERATORS

DEPARTMENT OF ENERGY

KUNG ang mga tao ay nagdurusa sa matinding init ng panahon, ginagamit naman ito ng power generators para kumita nang husto.

Ito ay dahil kasunod ng mga pagpalya ng suplay ng kuryente ang pagtaas ng presyo nito.

Dahil dito, iginiit ni ACT Party-list Rep. France Castro na panahon na para panagutin ang Department of Energy (DOE) dahil paulit-ulit na lamang ang problema.

Kaduda-duda aniya ang pagpalya ng power generators tuwing tag-init na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng kuryente kaya lumalabas na pinagkakakitaan ng mga ito ang sitwasyon.

“It is essential that generation companies bear the cost of disruptions and not pass it on to consumers. Legislation must be passed to ensure that generation companies are held responsible for their actions,” ayon sa mambabatas.

Kasama aniya sa kontrata ng Power Generation Companies na tiyakin ang sapat na supply sa anomang panahon subalit tuwing tag-init ay pumapalya ang kanilang mga planta.
Hindi aniya dapat hayaan na lamang ang DOE na walang pananagutan.

(BERNARD TAGUINOD)

42

Related posts

Leave a Comment