13 BARIL NAKUMPISKA SA FARM NG KFR GROUP LEADER

LAGUNA – Umabot sa 13 matataas na kalibre ng baril at mga bala ang nakumpiska sa isinagawang raid sa farm na pag-aari umano ng lider ng isang kidnap for ransom group, sa bayan ng Pangil sa lalawigang ito.

Isinagawa ng mga tauhan ng Laguna PNP Special Operation Unit, kasama ang Anti-Kidnapping Group mula Camp Crame, at iba pang PNP unit ng Laguna, ang paghahain ng search warrant sa Madriaga farm na nasasakop ng Brgy. Sulib at Brgy. Galalan. Pag-aari umano ang farm ng lider ng Madriaga kidnap for ransom group.

Ayon kay Laguna PNP provincial director, P/Col. Harold Depositar, inaresto sa raid ang tatlo katao na kinabibilangan nina Eduardo Prestado, farm security guard, at mga caretaker na sina alyas “Jonathan”, at alyas “Allan”.

Nakumpiska ng mga awtoridad sa nasabing farm ang mahahaba at maiiksing iba’t ibang klase ng mga baril kabilang ang dalawang M16 rifles, tatlong shotgun, dalawang caliber .22 rifles, isang Winchester rifle, isang caliber 40 pistol, isang 9mm pistol, isang submachine gun uzi, isang .357 revolver, at isang kalibre .38. (NILOU DEL CARMEN)

263

Related posts

Leave a Comment