2 BATA NAIPIT NG BATO SA ILOG, 1 PATAY

DAVAO DEL SUR – Patay ang isang taong gulang na paslit habang sugatan ang 4-anyos na kapatid nitong lalaki makaraang maipit ng malaking bato sa Cebulan river sa Brgy. Astorga sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigan noong Linggo ng ng umaga.

Ayon sa Sta. Cruz Police, nasa ilog ang pamilya Castillon para maglaba ang nanay habang naliligo naman ang mga bata sa ilog.

Sinabihan umano ng ama ang mga bata na manatili muna sa malaking bato sa may gilid ng ilog nang biglang bumuhos ang ulan.

Ngunit habang umuulan biglang gumulong ang isa pang malaking bato mula sa gilid ng ilog patungo sa kinaroroonan ng dalawang bata at naipit ang mga ito.

Agad sinaklolohan ng ama ang mga bata subalit ang batang lalaki lamang ang agad nahila nito.

Mabilis ding dumating ang mga responder ng barangay at ang mga tauhan ng MDRRMO ng Santa Cruz upang matanggal ang sanggol mula sa pagkakaipit sa bato na ginamitan pa ng backhoe subalit wala na ito buhay.

Isinugod naman ang batang lalaki sa Southern Philippines Medical Centre sa Davao City at kasalukuyang inoobserbahan dahil sa malubhang kalagayan.

Ayon sa ina ng biktima, dumayo sila sa nasabing ilog dahil wala silang suplay ng tubig matapos na matuyo ang isang ilog na malapit sa kanilang bahay.

(NILOU DEL CARMEN)

40

Related posts

Leave a Comment