2 HVIs TIMBOG SA P200K SHABU

CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng pulisya, makaraang makumpiskahan ng P200,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang naarestong mga suspek na sina alyas “Rene”, at “Jalil”, kapwa residente ng Barangay H2, Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:05 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Dasmariñas Component City Police Station sa Barangay Saint Peter II, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang 35 gramo ng umano’y shabu na may standard market value na P238,000.

Ang dalawang suspek ay nasa kustodiya na ng Dasmariñas CCPS at inihahanda ang kasong isasampa sa kanila.

(SIGFRED ADSUARA)

37

Related posts

Leave a Comment