2 MINOR DRUG PERSONALITIES TUMAKAS SA CSWD FACILITY

CAVITE – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawang menor de edad na may kasong ilegal na droga, makaraang tumakas mula sa pasilidad ng City Social Welfare and Development (CSWD) sa Cavite City noong Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay Joan Vivora Rebogio ng CSWD, Cavite City, sina alyas “Jerome” at “Erick”, kapwa Children in Conflict with the Law (CICL), ay pumuga mula sa kanilang kustodiya dakong alas-6:35 ng umaga.

Nabatid sa imbestigasyon, ang dalawa ay nakatakas sa pamamagitan ng pagsira sa bintana ng pasilidad.

Si Jerome ay inaresto ng Cavite Component City Police Station noong Enero 26, 2024, habang si Jerick ay inaresto naman ng mga operatiba ng Rosario Police Station, kapwa dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(SIGFRED ADSUARA)

30

Related posts

Leave a Comment