2 PATAY SA PAMAMARIL SA ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO CITY – Patay ang isang babae at ang driver ng isang tricycle matapos pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa Brgy. San Jose, sa lungsod noong Huwebes ng umaga.

Kapwa dead on the spot ang biktimang si Catherine Argota at ang tricycle driver na si Ricardo Saligao Sr. dahil sa mga tama ng bala sa kanilang katawan.

Ayon sa report ng Antipolo City Police, dakong alas-6:20 ng umaga nang parahin ni Argota ang tricycle ni Saligao sa Kaysakat Road, sakop ng Sitio Canumay, Brgy. San Jose para sumakay.

Subalit bago pa nakasakay ang babae, dumating ang mga suspek at walang habas na pinaulanan ng bala si Argota at nahagip din ang tricycle driver.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at inaalam kung sino ang mga suspek at kung ano ang motibo sa krimen.

(NILOU DEL CARMEN)

 

204

Related posts

Leave a Comment