2 TULAK NADAKMA SA P12-M MARIJUANA

UMABOT sa 100 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na P12,000,000 ang halaga, ang nakumpiska ng pulisya sa dalawang high value individuals (HVIs) sa buy-bust operation noong Miyerkoles ng umaga sa Caloocan City.

Bandang alas-9:25 ng umaga noong Oktubre 19 nang isagawa ang operasyon sa parking lot ng isang sikat na fastfood restaurant sa Brgy. 8, Caloocan City na nagresulta sa pagkahuli sa mga suspek na sina John Kenneth Herna, 30, at Grant Gallano, 24-anyos.

Nang makaiskor ng marijuana ang isang undercover cop sa mga suspek ay dinamba ang mga ito at nakumpiska sa kanila ang 100 kilo ng marijuana at fruiting tops, notepad na listahan ng kanilang mga transaksyon, cellular phone, apat na garbage bag at isang eco bag.

Nabatid na hinahango ng mga suspek ang marijuana sa Kalinga, Apayao at ibinabagsak sa kanilang mga kliyente sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela (CAMANAVA)  at kalapit na lalawigan ng Bulacan, gamit ang arkiladong sasakyan. (ALAIN AJERO)

9

Related posts

Leave a Comment