2 TULAK NALAMBAT SA BINONDO

ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Binondo, Manila noong Biyernes ng gabi.

Sa koordinasyon ng PNP Drug Enforcement Group, Special Operations Unit-NCR at ng MPD-Meisic Police Station 11, sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, naaresto ang dalawang suspek na kinilalang sina alyas “Celso” 36, crane operator, at “Camille”, 29-anyos.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagkasa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa Plaza Cervantes sa Binondo na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na nakumpiskahan ng 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P170,000 ang halaga.

(RENE CRISOSTOMO)

32

Related posts

Leave a Comment