2025 polls makokompromiso – solon MARCOS ADMIN INUTIL SA HACKERS

NANGANGAMBA ang isang mambabatas sa Kamara na mabahiran na naman ng pagdududa ang eleksyon sa 2025 dahil sa kabiguan ng Marcos administration na supilin ang mga hacker.

Ani House Deputy Minority Leader France Castro, habang tumatagal ay lalong nagiging inutil ang gobyerno ni Marcos Jr., laban sa mga hacker matapos itong muling umatake na ang pinakahuling biktima ay ang Bureau of Customs (BOC).

“The perpetrators successfully infiltrated the Bureau of Customs’ computer systems, compromising sensitive data repositories and exposing the personal details of over 2,200 employees and approximately 80,000 customers, both private and public,” pahayag ng mambabatas.

Kabilang umano sa mga nagsasagawa ng cyber attack, hindi lamang sa mga website ng mga ahensya ng gobyerno kundi maging sa pribadong sectors, ang DeathNote Hackers PH, Philippine Hacking University at Excommunicado.

Sinabi ng mambabatas, ilang beses nang umatake ang mga hacker na ito subalit mistulang walang ginagawang aksyon ang gobyerno para protektahan ang kanilang sarili.

Nababahala si Castro na kung magpapatuloy ang ganitong pag-atake ay hindi malayong maging ang resulta ng eleksyon sa 2025 ay makompromiso tulad ng naranasan ng Democratic Republic of Congo at Iraq na Miru system ang ginamit na teknolohiya.

Ang Miru na isang South Korean company ang gagamitin ng Pilipinas na makina sa 2025 elections.

(BERNARD TAGUINOD)

37

Related posts

Leave a Comment