Sa gitna ng El Niño NAT’L STATE OF CALAMITY HINDI IDEDEKLARA NI PBBM

HINDI inisip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magdeklara ng national state of calamity sa gitna ng epekto ng El Niño phenomenon.

Sa isang ambush interview sa Bacolod City nitong Lunes, sinabi ng Chief Executive na maaaring maramdaman ang epekto ng phenomenon subalit hindi naman ito mapanganib.

”Ang katotohanan niyan lahat maaapektuhan, ngayon gaano kalala ang magiging effect ng El Niño… It’s really, ang mga probinsya sa western side na… Western Luzon tapos dito Region 6. So those are the areas na nagde-declare ng calamity but the other areas, although ramdam pa rin, hindi naman critical,” ayon kay Pangulong Marcos.

”As a matter of fact, kasi naglagay nga tayo ng mga dam, patuloy na inaayos ang ating irigasyon, we should and we are trying to find new techniques of planting. We are harvesting more palay now than we are last year, that’s despite the El Niño, so it’s taking effect,” dagdag na wika nito.

Tinatayang nasa 18 local government units (LGUs) na ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng nagpapatuloy na El Niño phenomenon.

Sa kabilang dako, batay sa pinakabagong report, ipinakita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na ang mga apektadong LGUs ay ang 11 bayan sa lalawigan ng Occidental Mindoro: Bulalacao, Oriental Mindoro; Mandalay, Oriental Mindoro; San Vicente, Palawan; San Andres, Romblon; Mayoyao, Ifugao; Sinaloa, Antique; Zamboanga City.

Base naman sa data mula sa Department of Agriculture (DA), ang pinsala at pagkalugi sa agriculture sector dahil sa nakapapasong init ay tumama sa mahigit sa P2.63 bilyon.

Sinabi ni Presidential Communication Office Assistant Secretary Joey Villarama, tagapagsalita ng Task Force El Niño na mas maraming indibidwal na lungsod at munisipalidad ang nagpahayag ng kanilang interes sa deklarasyon subalit kailangan pa rin makapasa sa criteria para magdeklara ng state of calamity.”

(CHRISTIAN DALE)

39

Related posts

Leave a Comment