28 AHENSYA NG GOBYERNO HUMIHIRIT NG CONFI FUND

money123

MAS maraming ahensya ng gobyerno ang humihirit ngayon ng confidential funds sa ilalim ng kanilang panukalang budget para sa 2024.

Ayon sa ulat, may 28 ahensiya ang pormal na humirit ng confidential funds sa kanilang 2024 budget, tumaas ito mula sa 21 tanggapan na humiling para sa nasabing appropriation noong 2016.

Nauna rito, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang kabuuang halaga ng “confidential at intelligence funds” sa iba’t ibang ahensya sa panukalang 2024 budget ay P10.14 billion, kabilang na rito ang P4.5 billion para sa Office of the President (P2.25 billion confidential at P2.31 billion intelligence fund) at P500 million para sa Office of the Vice President (OVP).

Isang Joint Circular No. 2015-01 ng Commission on Audit (COA) ang nagpahayag at kinilala ang confidential funds bilang alokasyon para sa civilian government agencies na ginagamit para sa surveillance activities na sumusuporta sa kanilang mandato.

Iba pa ito aniya sa intelligence fund (IF) na ginagamit naman ng mga uniformed, military personnel, at intelligence practitioners sa pangunguha ng impormasyon na may kinalaman sa national security.

Para naman kay Dr. Maria Fe Mendoza ng University of the Philippines National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG), ang pagdami ng mga civilian agency na humihingi ng pondo ay bunsod ng nagbagong pangangailangan ng bansa.

Ani Mendoza, ia-audit ng komisyon ang pondo subalit hindi maaaring ipalathala ang report ukol sa paggamit nito.

(CHRISTIAN DALE)

546

Related posts

Leave a Comment