P38 MILLION HALAGA NG SHABU HINALUAN NG SEMENTO

ITO ang ginawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) para sirain ang nasa 5.6 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng ₱38,225,128.11 sa kanilang hall of justice sa Jolo, Sulu.

Ang nasabing sistema na ginamit ng BARMM PDEA Regional Office ay kakaibang pamamaraan ng pagsira sa ipinagbabawal na droga na kinilalang “rendering inert,” na nagresulta para kilalanin ang PDEA BARMM bilang kauna-unahang regional office na nag-iimplementa ng kakaibang estilo ng drug destruction.

Ayon sa PDEA Public Information Office, ang pamamaraan ay tumutugon sa alituntunin na itinakda ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) para sa ligtas na ‘handling and disposal” ng kemikal na na may kaugnayan sa paggawa ng ipinagbabawal na droga.

Nabatid na ang bulto ng sinirang droga ay mula sa 97 kaso na nakahain sa RTC Branch 3, Jolo, Sulu, mula pa noong 2022 hanggang sa kasalukuyang taon na nagtatampok din kung gaano karami ng illegal drugs ang nasamsam ng PDEA BARMM.

Pinapurihan naman ni Honorable Judge Alsad H. Alfad Jr. ang walang humpay na pagsisikap ng PDEA at iba pang law enforcement units na sugpuin ang drug menace sa kanilang nasasakupan nang naaayon sa batas at paggalang sa human rights.

Ayon kay Regional Director Gil Cesario P. Castro, bunsod din ito ng malakas na suporta na kanilang nakukuha mula sa Local Government Unit (LGU) ng Sulu, ng Prosecutor’s Office, maging sa Local Court of Sulu province, at ng PNP Forensic Sulu.

Nasaksihan ang destruction ceremony nina Governor Abdusakur M. Tan, na kinatawan ni Mr. Erwin Tan, ang Provincial Administrator ng Sulu; PCOL Narciso Paragas, Provincial Director of Sulu PPO; PMaj Christopher E Dela Cruz, Forensic Chemist, Honorable Anna Marie-Pierre Angelie Ledesma, Sulu Provincial Prosecutor; at Atty. Riza Flor Z. Derotina ng Public Attorney’s Office, media representatives, NGO representatives, local elected barangay officials, MENRE SULU, MPW BARMM, at iba pang stakeholders.

Kasunod ng destruction processes, ginawang cement marker o monument ng PDEA officials at local court ang pinaghalong shabu at semento bilang simbolo ng pinaigting na kampanya kontra droga. (JESSE KABEL RUIZ)

48

Related posts

Leave a Comment