3 DEDBOL SA BUNDOL NG SUV SA ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE – Tatlo katao ang namatay matapos masalpok ang mga ito ng isang SUV sa Barangay Davila sa bayan ng Pasuquin sa lalawigang ito, noong Sabado.

Kabilang sa mga namatay ang isang 14-anyos na dalagita at dalawang senior citizen matapos mabangga ng SUV na puting Geely Coolray sa national highway.

Ayon sa report ng Pasuquin Police, unang nabangga ng SUV ang isang nakahintong motorsiklo nang mag-overtake ito sa isang sasakyan gamit ang outer lane ng kalsada.

Nawalan ng kontrol ang driver ng SUV at nabangga rin ang naglalakad na mag-lola at saka bumangga pa sa isang kulong-kulong.

Dead on the spot ang dalagita at namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang kanyang lola at ang matandang nagmamaneho ng kulong kulong.

Nahaharap ang driver ng SUV sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property. (NILOU DEL CARMEN)

21

Related posts

Leave a Comment