3 HUMAN TRAFFICKING VICTIMS NASAGIP SA MCIA

NASAGIP ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) ang tatlong Pinay na pinaniniwalaang mga biktima ng human trafficking, ayon sa report na nakarating sa opisina ng ahensiyang ito.

Ang tatlong Pinay na nagkunwaring mga turista, ay na-intercept nitong nakalipas na araw habang pasakay sa kanilang Royal Air flight papuntang Hong Kong.

Ayon sa impormasyon, ang mga biktima ay iprinisenta ang kanilang sarili bilang mga turista para sa 4-day trip sa Hong Kong, ngunit kalaunan inamin ng mga ito na papunta sila sa Vietnam, kung saan sila sasalang sa hiring process sa isang kumpanya na ini-refer sa kanila.

Agad na nai-turn over ang tatlo sa Inter-Agency Against Trafficking upang isailalim sa imbestigasyon at mabigyan ng tulong ng pamahalaan.

(FROILAN MORALLOS)

81

Related posts

Leave a Comment