3 NPA SUMUKO SA LAGUNA

LAGUNA – Boluntaryong sumuko sa gobyerno ang tatlo kataong tagasuporta ng mga rebeldeng komunistang New People’s Army, sa pamamagitan ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) ng General Nakar.

Nagbalik-loob sa gobyerno si alyas “Leah” at dalawang kasama dala ang kanilang mga armas at pampasabog tulad ng M14 rifle, shotgun, apat na Anti-Personnel Mines (APM), 4 granada at mga bala.

Ayon kay Colonel Cerilo C. Balaoro Jr., commander ng 202nd (Unifier) Brigade, naging dahilan ng pagsuko ng mga rebelde ang magkaroon ng mapayapang pamumuhay at mapasali rin sa mga benepisyo na ibinibigay ng pamahalaan.

Aniya, “Their surrender can be attributed to the Whole-of-Nation Approach in ending the decades long communist insurgency in the country”.

“The remarkable convergence effort among the member agencies of the Municipal Task Force ELCAC which highlight among others the strengthened reintegration program (ECLIP), has significantly affected the will to fight of most NPA fighters and its mass base supporters and made them decide to lay down their arms and pursue the path to peace. Indeed, the most cherished peace and development for the people of CALABARZON is now seen on the horizon,” dagdag pa niya.

Matatandaan, noong nakaraang Oktubre 2, apat na mga miyembro ng NPA rin ang nagbalik-loob sa gobyerno bitbit ang kanilang Garand rifle, shotgun, cal. 38 revolver at mga bala. (CYRILL QUILO)

3

Related posts

Leave a Comment