3 PULIS, 10 PA KINASUHAN SA INDISCRIMINATE FIRING

UMAABOT sa 13 kaso ng indiscriminate firing ang naitala ng Philippine National Police habang walong firearms ang kanilang nakumpiska kaugnay sa nakalipas na selebrasyon sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa ulat ng PNP, nakapagtala sila ng 13 kaso ng illegal discharge of firearms, at arestado ang lahat ng mga sangkot kabilang ang tatlong tauhan ng pulisya, na nahaharap sa administrative cases at posibleng masibak sa serbisyo.

Sinasabing nanganganib na maalis sa serbisyo ang tatlong pulis na sangkot sa pagpapaputok ng baril bago mag-Bagong Taon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, isa sa tatlong pulis na ito ay napaulat na nagpaputok ng baril nito lamang bisperas ng Bagong Taon sa Zamboanga City.

Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon, kinuha umano ng naturang pulis ang service firearm ng kanyang kasamahang pulis at ipinaputok ito ng ilang ulit sa likod ng kanilang istasyon habang sila’y nag-iinuman.

Habang ang dalawang pulis naman na sangkot sa illegal discharge of firearms, ay nangyari sa Malabon City at Quezon City.

(JESSE KABEL RUIZ)

216

Related posts

Leave a Comment