PATAY KAY ENTENG 16; 17 PA NAWAWALA

UMABOT na sa 16 ang bilang ng iniulat na mga namatay habang 17 pa ang nawawala bunsod ng ilang araw na pag-ulan dahil sa Tropical Cyclone Enteng at Southwest Monsoon o Habagat, na nagpabaha sa maraming lugar, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes. Sa inilabas na situation report ng NDRRMC kahapon ng umaga, itinala ng NDRRMC na walo sa kabuuang nasawi ay mula sa Calabarzon, tatlo sa Bicol Region, dalawa sa Central Visayas, dalawa sa Eastern Visayas, at isa sa Western Visayas. Subalit nilinaw…

Read More

2 C-130 GINAMIT NG PAF PARA HAKUTIN POGO WORKERS

GUMAMIT ng dalawang C-130 cargo aircraft ang Philippine Air Force para hakutin ang 168 POGO workers na nahuli ng mga awtoridad sa lalawigan ng Cebu. Ayon kay PAF Spokesperson Col. Consuelo Bon Nunag Castillo, nakipag-ugnayan sa kanila ang Presidential Anti-Organized Crime Commission para magamit ang kanilang air asset para makuha at maibiyahe ang 168 POGO captives papuntang Maynila. Isinakay sa dalawang C-130 ang nahuling POGO workers, ilan dito ay sinasabing mga tumakas mula sa nadiskubreng POGO hub sa Bamban. Tarlac, mula sa Brigadier General Benito N. Ebuen Air Base, sa…

Read More

7 ARMAS ISINUKO SA COTABATO

PITONG iba’t ibang uri ng armas at mga bala nito kasama na ang dalawang pampasabog, ang boluntaryong isinuko sa Barangay Dugong, M’lang, Cotabato Province. Ayun kay Lt. Col. Rowel Gavilanes, Battalion Commander ng 90th Infantry Battalion, ang boluntaryong pagsuko ng mga armas ay naging posible sa pamamagitan ng pagsisikap ng mga operatiba ng Mobile Community Support Sustainment Program (MCSSP) ng 90IB at M’lang Municipal Police Station. Kasama ring nakipagtulungan ang mga residente at barangay council upang malansag ang paglaganap ng loose firearms sa bayan. Kabilang sa isinuko ang isang M14…

Read More

P13-M TOBATS NASABAT SA BARKO SA SULU

MAHIGIT P13 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), katuwang ang Municipal Police Station (MPS), sakay ng MV Queenshaima sa Alayon Fish Port, Barangay Tandu Bato, Luuk, Sulu Base sa ulat ng PCG, nakatanggap ng tawag ang Coast Guard Station Eastern Sulu (CGSES) mula sa isang Imbih Usman na siyang naka-duty bilang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team, kaugnay sa kahina-hinalang indibidwal sa panahon ng embarkation inspection. Agad itong pinuntahan ng CGSES at MPS Luuk at nadiskubre ang 21 heat-sealed transparent plastic…

Read More

NURSE BINARIL NI MISTER SA LOOB NG SASAKYAN, PATAY

NEGROS ORIENTAL – Patay ang isang nurse matapos na barilin ng kanyang mister sa loob ng kanilang sasakyan sa Dumaguete City, sa lalawigan noong Huwebes ng gabi Kinilala ng Dumaguete City Police ang biktimang si Madelyn Bauzon Kinilitan, 36, tubong Calasiao, Pangasinan at residente ng Barangay Mangnao, Dumaguete City. Ayon sa report, nakasakay sa kotse ang mag-asawa dakong alas-6:00 ng gabi, nang magkaroon umano ng pag-aaway ang dalawa. Sa kasagsagan ng pagsasagutan, nagbunot ng baril ang 39-anyos na mister na si Ken Lloyd Kinilitan at pinaputukan ang asawa na nakaupo…

Read More

PAGBABALIK NI ALICE GUO TAGUMPAY NG JUSTICE SYSTEM – BI

INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na ang pagbabalik sa bansa ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ay maliwanag na maituturing na malaking tagumpay sa justice system ng bansa. Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, patunay lamang ito na epektibo ang pagtutulungan o kooperasyon ng international counterparts at ng law enforcement agencies ng Pilipinas Bukod dito, sinabi pa ng komisyuner na nagpapakita rin ito na hindi natitinag ang commitment o mandato ng bansa, para manaig ang hustisya kahit ano pa man ang kinakaharap na balakid. Magandang senyales din aniya…

Read More

GAS STATION IPINADLAK SA P3.1-M UNMARKED FUEL

PANSAMANTALANG ipinasara ng Bureau of Customs (BOC) ang isang gas station sa Valenzuela City matapos matuklasan na ilan sa mga tangke nito ay naglalaman ng unmarked fuel na aabot sa halagang P3.1 milyon. Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, ang tatlo sa apat nitong tangke sa Roden Refilling Fas Station sa Barangay Ugong ay nabigo sa fuel mark test na isinagawan ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) at Enforcement Group-Fuel Marking agents noong Huwebes. Samantala, iniulat ni BOC-CIIS Director Verne Enciso, nagtungo ang mga ahente sa…

Read More

MANGANGALAKAL NAGKALAT NG BASURA, BINARIL NG SEKYU

NILALAPATAN ng lunas sa pagamutan ang isang mangangalakal ng basura makaraang barilin ng security guard ng isang restaurant makaraang magkalat umano ng basura sa paligid ng binabantayang establisyemento ng suspek sa Quezon City noong Huwebes ng umaga. Sinabi ni Quezon City Police District Director, PBGen. Redrico Maranan, kinilala ang nadakip na suspek na si Remwil Garcera, 58, security guard, at residente ng Brgy. Tandang Sora, Quezon City. Nasugatan naman ang biktima na isang mangangalakal na hindi pa nakikilala, nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center (EAMC). Ayon sa ulat…

Read More

PAGBABAGONG PULITIKAL ITINUTULAK NG POLPHIL

NAIS isulong ng Political Officers League of the Philippines (POLPhil), isang organisasyon ng pinagsama-samang mga dating aktibista, development worker at sectoral leaders ang pakikipag-alyansa at suporta sa FPJ Panday Bayanihan Partylist upang isulong ang batayan kahilingan ng mamamayan. Sinabi ni Rico Cajife, lider ng PolPhil-Sogod, Southern Leyte province na ang kanilang grupo ay nakahandang sumuporta sa FPJ Panday Bayanihan dahil sa magkatugma ang hangarin na magkaroon ng seguridad sa pagkain, pantay na hustisya at kaunlaran na pakikinabangan ng lahat ng mamamayan. Sa ginanap na press conference, binanggit ni Cajife na…

Read More