3 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN

CAVITE – Tatlo katao ang sugatan makaraang nagkarambola ang limang sasakyan sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga.

Nilalapatan ng lunas sa ospital ang mga biktimang sina Susan Esteba Doromal, driver ng Toyota Vios; Freddie Galura Zita, driver ng motorsiklong Yamaha Aerox, at Jayvee Ferlino Marbella, driver ng Honda Click, dahil sa mga sugat sa katawan, habang nasira naman ang minamanehong Mitsubishi Montero ni Denis Velasco Francisco at Nissan Urvan na minamaneho ni John Michael Pallugna Ferrer.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:45 ng umaga nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Centennial Highway sakop ng Brgy. Marulas, Kawit Cavite.
Minamaneho nina Doromal, Zita, Marbella at Francisco ang kanilang sasakyan habang binabagtas ang Centennial Highway patungo sa Northbound (Manila) direction.

Ngunit pagsapit sa pinangyarihan ng insidente nang sakupin ng minamanehong Nissan Urvan ni Ferrer ang inner-lane northbound direction dahilan ng banggaan ng limang sasakyan.

(SIGFRED ADSUARA)

45

Related posts

Leave a Comment