4 bantay na pulis sugatan sa atake AFP, PNP, COMELEC NAGPULONG PARA SA SEGURIDAD NG BSKE SA BARM

MISMONG si Philippine Army commanding general at kasalukuyang AFP Western Mindanao Command chief, Lt. General Roy Galido ang nakipagpulong kay Comelec Commissioner George Erwin Garcia at mga opisyal ng Philippine National Police, para tiyakin ang seguridad sa area ng Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao.

Ayon kay Col. Xerxes Trinidad, sumama si Lt. Gen. Galido sa ginanap na Regional Coordinating Conference sa Alnor Hotel and Convention Center, sa Rosary Heights IX, Cotabato City para talakayin ang gaganaping Barangay and Sangguniang Kabataan election sa Oktubre 30, 2023 at ang mga security preparation na kailangan nilang ilatag.

“Amidst the intricate task of safeguarding the BSKE 2023, the AFP and the PNP in BARRM have joined forces. They are fully-committed to taking every necessary effort in response to COMELEC Chairman Atty. George Erwin Garcia’s firm resolved to proceed with the election based on the schedule released by the commission,” pahayag ng military kahapon.

Nabatid na kamakailan ay sinalakay ng pinaniniwalaang mga kasapi ng Dawla Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang isang police detachment sa Barangay Pagatin, Datu Salibo, Maguindanao del Sur na ikinasugat ng apat na pulis.

Ayon kay Police Brig. Gen. Allan Nobleza, hepe ng pulisya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), dakong alas-6:30 ng gabi nang paulanan ng bala ng baril ng hindi bababa sa 10 armadong BIFF, ang detachment ng 1402nd Regional Mobile Force Company sa Barangay Pagatin.

Nabatid na ang nasabing mga pulis ay bahagi ng contingent na nagsagawa ng peacekeeping sa ­unang araw ng paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections at nagbibigay ng seguridad sa paligid ng tanggapan ng Comelec at mahigpit na ipinatutupad ang election gun ban.

Ayon kay Datu Salibo Police Station chief, Capt. Ramillo Serame, kabilang sa mga sugatan ay kinilalang sina Patrolman Abdul Lipuas, Patrolman Alesona Makasandig at Corporal Fernan Andres na pawang itinakbo sa pagamutan sa Midsayap, North Cotabato.

Pinangunahan ni COMELEC Chairman, Atty. George Erwin Garcia, ang nasabing pulong na dinaluhan din nina Major General Steve Crespillo, ang vice commander ng Philippine Army, na siyang inaasahang nagsisilbing 17th Commander ng WESTMINCOM kapalit ni Lt. Gen. Galido, gayundin si Major General Alex S. Rillera, commander ng 6th Infantry Division (6ID) at Joint Task Force Central bukod sa ilang pang mga opisyal mula sa PNP, BARMM at iba pang stakeholders.

(JESSE KABEL)

238

Related posts

Leave a Comment