4 PATAY SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO

CAVITE – Apat na indibidwal ang naitalang namatay habang apat ang sugatan sa aksidente sa motorsiklo sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan sa mismong araw ng Pasko.

Isinugod sa CARSIGMA Hospital ang mga biktimang sina Ronnie Panes Del Rosario, at Anna Mikaela Diche Salmiron, habang sa General Emilio Aguinaldo Hospital naman dinala ang isang ‘di kilalang lalaki at si Mojia Rhegie y Carable, 32, subalit pawang idineklarang dead on arrival.

Nilalapatan naman ng lunas sa ospital sina Russel Placido Brinas, Floressa Camille Labrada, 27; Ma. Elisa Joyce Dulay y Tan, 23, at Rhegie Mojica y Carble, 32-anyos.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:00 noong Lunes ng gabi habang minamaneho ni Brinas ang kanyang motorsiklo at angkas si Del Rosario, nang nawalan ng kontrol sa manibela at bumangga sa center island ng Congressional Road, Brgy. Lumbreras, General Mariano Alvarez, Cavite na nagresulta sa pagkamatay ni Del Rosario.

Minamaneho naman ni Salmorin ang kanyang motorsiklo at angkas si Labrada sa Congressional Road, Brgy. Poblacion 4, GMA, Cavite ngunit nawalan ng kontrol sa motorsiklo at sumalpok sa center island ng kalsada na nagresulta sa pagkamatay ni Salmorin

Binabagtas naman ng isang ‘di nakilalang lalaki ang kahabaan ng Purok 1, Conchu-Amadeo Road, Brgy. Conchu, Trece Martires City, ngunit pagsapit sa palikong bahagi ng kalsada ay nawalan ng kontrol sa manibela at sumalpok sa isang konkretong poste, naging dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Minamaneho naman ni Dulay ang kanyang motorsiklo at angkas si Mojica habang binabagtas ang direksiyon ng Maragondon, habang patungo naman sa direksyon ng Tanza galing Maragondon ang minamanehong Isuzu Closed van ni Jerome Butar y Remojo.

Ngunit pagsapit sa palikong kalsada sa Governor’s Drive, Brgy. San Roque Naic, Cavite bahagyang pumasok ang van sa lane ni Dulay naging dahilan ng salpukan at nagresulta sa pagkamatay ng angkas sa motorsiklo na si Mojica.

(SIGFRED ADSUARA)

212

Related posts

Leave a Comment