435 PAMILYANG NASUNUGAN, SINAKLOLOHAN

BINISITA ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang mga nasunugan sa Sta.Cruz, Manila kahapon.

May 435 pamilya na umaabot sa 1544 individuals ang binigyan ng grupo ng senador ng pinansiyal na ayuda, vitamins, groceries, cellphone, sapatos at wheelchair na ginanap sa Barangay 311 covered court.

Kamakalawa, sinusugan ni Go ang kapwa senador na si dating PNP chief Bato dela Rosa na nagsabing walang karapatan o dahilan ang pulisya na basta-basta na lamang umaaresto ng peryante na hindi lumalabag sa batas.

“Lalo na itong mga pulis natin. Kaya hindi kami basta-bastang maniwala rin na sila ay involved dito. Dahil noong una noong 2018, dinoble ni dating Pangulong Duterte ang sweldo nila. Wala pong rason na mangikil ang mga ito dyan sa maliit na kita,” ayon kay Go.
“The important thing here is how the regulation and the law can be implemented and the government can make money and at the same time our small workers get paid,” giit niya sa pagdinig ng Senado hinggil sa reklamong “relentless harassment” ng ilang law enforcement officers laban sa mga peryante.

(DANNY BACOLOD)

33

Related posts

Leave a Comment