5 KATAO SUGATAN SA RAMBOL SA CAVITE

CAVITE – Arestado ang lima katao, kabilang ang isang menor de edad, makaraang maglabo-labo sa Dasmariñas City noong Linggo ng hapon.

Pawang nilalapatan ng lunas sa Southern Tagalog Regional Hospital ang mga biktima/suspek na sina Angel Salazar y Delas Alas, 45, welder; Jorvin Salazar y Abo, 21; Jeffrey Letada y Montecalbo, 30; William Calubay y Bolante, 56, at isang 17-anyos na binatilyo.

Habang pinaghahanap ang isang Jeff Cahandag, alyas “Noynoy”, na tumakas makaraan ang insidente.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Brgy. Queens Row East, Bacoor City kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Jorvinz at Letada sa hindi binanggit na dahilan.

Humingi ng tulong si Jorvinz sa pinsan niyang menor de edad at kay Angel pero napansin ito ni Letada na armado ng patalim.

Pumasok ito sa bahay ni Jorvinz kasama si Calubay at hinabol ang magpipinsan pero nakatakbo sila kaya ibinalibag niya ang hawak na patalim at tinamaan ang menor de edad sa kaliwang mata.

Nakisawsaw rin ang bayaw ni Letada na si Jeff Cahandag, alias “Noynoy” at sinuntok si Jorvinz na tinamaan sa mukha.

Ayon naman kay Letada, sinaksak din umano siya ni Jorvinz sa kanang kamay kaya dinala rin siya sa ospital.

Ang dalawang panig ay nagsampa ng kontra demanda sa isa’t isa.

(SIGFRED ADSUARA)

66

Related posts

Leave a Comment