6 HIGH POWERED FIREARMS ISINUKO SA MAGUINDANAO

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Anim na loose firearms ang isinuko ng mga residente ng bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Lalawigan ng Maguindanao del Sur.

Ang nasabing matataas na mga kalibre ng baril ay isinuko sa pamamagitan ng ‘Balik Baril Program’ na magkakasamang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Datu Saudi Ampatuan, at ng Task Force 92 na binubuo ng 92nd Infantry (Tanglaw Diwa) Battalion, DSA MPS at JPST.

Ayon kay Lt. Col. Rommel Agpaoa, pinuno ng 92IB, ang nasabing programa na isinusulong ng lokal na pamahalaan, pulisya at kasundaluhan, ay naglalayong mapalakas ang kampanya laban sa paglaganap ng loose firearms at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lugar.

Ikinagalak naman ni Major General Alex S. Rillera, commander ng 6ID at JTF-Central ang hakbang na ito ng mga residente ng Datu Saudi Ampatuan upang mawala ang instrumento ng karahasan. Kasabay nito, pinuri rin niya ang pamunuan ng 92IB at iba pang security forces, sa patuloy na pagsisikap na lansagin ang loose firearms.

(JESSE KABEL RUIZ)

210

Related posts

Leave a Comment