AFP MAKIKIPAGTULUNGAN SA PDEA SA 3 SUNDALONG NAHULI SA BUY-BUST

TINIYAK ng liderato ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila kukunsintihin ang tatlong sundalong nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug enforcement Agency kamakailan sa Bamban, Tarlac.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, makikipagtulungan ang hukbong sandatahan sa PDEA para matiyak na magkakaroon ng “thorough and transparent investigation” sa pagkakadakip sa tatlong tauhan ng Philippine Army

“Any involvement in illegal activities by members of the AFP is contrary to the principles of service and appropriate measures will be taken to address the situation in accordance with law and military regulations,” ani Col. Padilla.

Ayon sa ulat, nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Central Luzon ang isang piraso ng knot-tied transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P 340,000; isang unit na Rock Island Caliber 45 (AFP Issued Firearm) na puno ng magazine na may apat na live ammunition; isang Blue Sedan Suzuki Dzire, at ang marked money na ginamit sa buy-bust operation.

Ang operasyon ay isinagawa ng magkasanib na mga operatiba ng PDEA Tarlac at lokal na pulisya.

Pahayag pa ng AFP, ang pagkakadakip sa tatlong tauhan ng 7th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, ay isolated case lamang at hindi kumakatawan sa buong

military organization.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga sundalong nadakip sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Anupul, bayan ng Bamban,

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Tarlac, ang mga nadakip na sina Cpl. Venancio D. Delmoral, 44; Cpl. Juan Carlo G. Feliciano, 30, at Sgt. Modesto D. Rosquero, 29, pawang AFP enlisted personnel.

Ayon sa PDEA, ang tatlong sundalo ay itinuturing na mga high-value-target dahil sila ay nasa aktibong katayuan.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) kaugnay ng Section 26B (conspiracy to sell) sa ilalim ng Republic Act 9165 ang nasabing mga sundalo.

(JESSE KABEL RUIZ)

213

Related posts

Leave a Comment