ANAK NG MAGSASAKANG REPORTER NA UPLB CUM LAUDE PASADO SA NUTRITIONIST- DIETITIAN BOARD

MALUGOD na nagpapasalamat sa Panginoon ang Magsasakang Reporter dahil sa pagkakapasa sa PRC Board Examination ng kanyang anak na si Kyla Merynne Rose S. Layson. Si Kyla ay graduate at Cum Laude ng UP Los Banos sa kursong Bachelor of Science in Nutrition.

Panganay siya sa tatlong anak ng Magsasakang Reporter na si Mer Layson at ni Mary Ann, na isa ring mamamahayag. Dati ring A-1 child ng buong Nueva Ecija si Kyla noong siya ay nasa day care pa lamang. Nag-Top 8 naman siya nang magtapos ng Junior High School at with Honors nang mag-graduate ng Grade 12 sa Adamson University, bago pinalad na makapasok sa UPLB at nakapagtapos na may Latin honors noong Hulyo 2024.

Sa inilabas namang resulta ng PRC nitong Martes, Nob. 12, nakasama rin si Kyla sa 843 examinees na matagumpay na pumasa sa 2024 Nutritionist-Dietitian Licensure Examination na idinaos noong Nob. 6-7, 2024.

Isa na ngayong Registered Nutritionist- Dietitian si Kyla at proud na proud sa kanya ang kanyang pamilya.

39

Related posts

Leave a Comment