Appointee ni BBM nasa Miru GARAPALANG DAYAAN SA HALALAN 2025 PINANGANGAMBAHAN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang mga netizen sa inilahad ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel na isa sa mga local partner ng Miru Systems, ang lone bidder para sa 2025 automated elections, ay Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) appointee ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Agad nag-react sa social media ang mga netizen na ngayon pa lang ay nagdududa na sa magiging resulta ng midterm elections sa susunod na taon.

Noong isang linggo, hindi naitago ng ilang mambabatas ang pagkadismaya sa Commission on Elections (Comelec) dahil minadali umano ng mga ito ang paggawad ng kontrata sa Miru Systems Co. Ltd.

“We’ve heard that the Comelec’s bidding process may have been tailor-fit for Miru, as the chosen bidder,” ani ACT party-list Rep. France Castro.

Bunga nito, ay hindi aniya malayong maulit ang kapalpakan sa Iraq at Congo kung saan pumalya ang counting machines ng Miru at nagreport ng maling bilang ng boto.

Lalong nabahala si Castro dahil maging sa Argentina at Kyrgyztan ay nagkaroon umano ng security lapses at katiwalian sa eleksyon na hinawakan ng Miru.

Basahin ang ilan sa mga komento ng netizens sa X:

“ATTENTION! READY NA NAMAN ANG MAGIC SA 2025”

“Doon sa previous post ko ay nabanggit ko na rin yan na one of the local partners ng MIRUming Election sa 2025 ay isa sa appointed ni alamano.”

“Mirumi Naman na election to”

“Good job, comelec. Mas madali na pala ngayon ang trabaho ng ninyo.”

“Hanggat lawyer ni Jr ay may hawak sa comelec magic talaga yan”

“Hindi na papayag ang mga Marcos na mawala pa sila dyan sa Malacañang. They will do everything to stay in power.”

“Mukhang di na naman lilisanin ng mga Marcos by hook or by crook ang Malacañan.”

“Yun yun eh! Gagayahin ang style ng tatay nya talaga. Isu-super glue ang pwet sa malakangyang.”

“Kasi alam nila kahit may expose ang Tntrio sa elections 2022 hindi pinapansin..”

“Wag niyo lang ipahalata masyado at baka maulit ang nightmare niyo!”

“Dayaan 2025 selyado na”

“Conflict of interest promotes CORRUPTION. Fact. Cheers!”

41

Related posts

Leave a Comment