ARABO HULI SA DROGA, ACT OF LASCIVIOUSNESS

NAGHIHIMAS ng rehas na bakal ang isang foreign national makaraang mahulihan ng ilegal na droga at inireklamo ng act of lasciviousness sa Brgy. Bungad, Quezon City noong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), kinilala ang suspek na si Husain Mohamed Hasan Ahmed Alhosani, 49, retired police officer, mula sa United Arab Emirates,  sa Brgy. Bungad, Quezon City.

Nabatid sa sketchy report ng QCPD Masambong Police Station 2, bukod sa kasong illegal drugs, si Ahmed Alhosani ay nahaharap din sa kasong acts of lasciviousness in relation to RA 7610.

Ipinagharap ng reklamo ang akusado ng complainant na si Rhoda Bulacan Baetiong 34, dalaga, ng Brgy. Apolonio Samson, Quezon City, na umano’y girlfriend ng suspek.

(PAOLO SANTOS)

125

Related posts

Leave a Comment