ARMY, MARINES SUMABAK SA LIVE FIRE COUNTER LANDING WAR EXERCISE

ITINUTURING na isang malaking tagumpay ang ginawang sabayang pagsabak ng mga tropa ng Army at Marines ng Pilipinas at Amerika sa ginanap na counter landing live fire exercise sa nagpapatuloy na Multilateral Balikatan 39-2024 iteration sa La Paz sand dunes sa Laoag, Ilocos Norte.

Dito ipinakita at ginamit ang makabagong high-powered weapon systems ng dalawang bansa para maging handa na magsagawa ng depensa sakaling may kalabang pwersa na magtatangkang sumalakay mula sa dagat papasok ng bansa, ani Lt. Col. John Paul F. Salgado, chief, Combined Joint Information Bureau, BK 39-2024.

Sa impormasyong ibinahagi ni Lt. Col. Rodrigo B. Lutao, chief Public Information Office Northern Luzon Command (NOLCOM), ipinakita sa isinagawang joint counter landing drill ang “enhanced defense capabilities” ng dalawang magka-alyadong puwersa.

Ayon kina Col. Salgado at Col. Lutao, ang counter-landing live-fire operations ay strategic military activity kung saan dinedeploy ang defensive forces para mapigilan ang sumasalakay na puwersa at makapagtatag ng kanilang posisyon sa mga hangganan (borders) ng bansa.

Nakatutok ang nasabing pagsasanay sa pagpapalakas ng kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa External Defense Operations at maritime security awareness.

“The exercise showcased seamless coordination and synergy between U.S. and Philippine troops,” ani Lutao. Epektibong nagamit ng AFP ang kanilang high-powered military assets, kabilang dito ang bagong biling ATMOS 155mm self-propelled howitzer, 105mm howitzer mula sa Army Artillery Regiment (AAR), PA, at dalawang Philippine Marine Corps 105mm howitzers.

Samantala, nag-deploy naman ang US Armed Forces ng dalawang US howitzers, 5.56 caliber rifles, medium and heavy machine guns, tatlong (3) Javelin anti-tank missiles, at tatlong (3) MAAWS (Multipurpose Anti-Armor Anti-Personnel Weapon System), itinampok dito ang kakayahan ng dalawang puwersa na epektibong ma-neyutralisa ang armored.

Sumabak sa pagsasanay ang Philippine Army’s 502nd Infantry Brigade, ang Philippine Marine Corps’ 4th Marine Brigade, ang U.S. Army 3-7 Field Artillery, at U.S. Marine Corps’ 3rd Littoral Combat Team, na nagpakita ng kanilang proficiency in maritime defense tactics.

Sinaksihan mismo nina Lieutenant General Arthur M. Cordura, PAF, acting Chief of Staff of the AFP, at Lieutenant General Fernyl G. Buca, PAF, commander ng Northern Luzon Command (NOLCOM), at iba pang AFP key officials ang nasabing war games.

(JESSE KABEL RUIZ)

50

Related posts

Leave a Comment