BAN SA POGO INDUSTRY MULING IGINIIT

BINUHAY ni Senador Win Gatchalian ang panawagan na i-ban na ang POGO industry sa bansa dahil krimen lamang ang dulot nito.

Sa gitna ito ng pagkakadiskubre ng posibleng kaugnayan ng isang alkalde sa operasyon ng ni-raid na POGO sa Tarlac.

Sinabi ni Gatchalian na ito ang unang pagkakataon na may isang local executive na nasangkot sa POGO operations na labis niyang ipinagtataka dahil karamihan anya sa kanyang nakakausap na lokal na opisyal ay tutol sa POGO.

Idinagdag ng senador na paulit ulit nang napatunayan na hindi natutumbasan ng kinikita sa POGO ang gulong dulot nito sa bansa.

Kaya muli siyang nanawagan sa Malakanyang na maglabas na ng kautusan upang i-ban ang POGO industry sa Pilipinas habang umapela rin siya sa liderato ng Senado na isalang na sa pagtalakay sa plenaryo ang kanyang committee report laban sa operasyon ng POGO sa bansa.

Una nang kinumpirma ni Gatchalian na nakausap na niya si Pangulong Bongbong Marcos at binigyan din niya ito ng kopya ng kanyang committee report.

(Dang Samson-Garcia)

82

Related posts

Leave a Comment