Kapag lumusot ang Cha-cha PINOY HAWAK SA LEEG NG FOREIGN INVESTORS

HAHAWAKAN ng China at iba pang foreign investors sa leeg ang mga Pilipino kapag nagtagumpay ang Kongreso sa kanilang economic Cha-cha.

Babala ito ni Bayan Muna chairman at dating Congressman Neri Colmenares kaugnay ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 na ipinasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa noong nakaraang linggo.

“Ang pagbenta natin sa dayuhan ng ating public utilities tulad ng tubig at kuryente ay mapanganib dahil kung hawak ng dayuhan ang ating public utilities, hawak niya tayo sa leeg,” ani Colmenares.

Sa ngayon ay 40% sa National Grid Corporation of the Philippine (NGCP) ang pagmamay-ari ng China at hindi malayong kunin nila ito nang buo sa sandalling mangyari ang 100% ownership.

Tiyak din aniya na tatargetin ng China ang iba pang public utilities na kasalukuyang hawak ng mga negosyanteng Pinoy.

“Allowing aliens like China to own our public utilities, such as NGCP, Meralco, Maynilad or Manila Water is therefore dangerous especially since we have a conflict with them in the West Philippine Sea. This is not only an economic but also a national security issue,” ayon pa sa dating mambabatas.

Nananawagan si Colmenares sa mga Senador na ibasura ang RBH No. 6 kung hindi ay lalong mawawala sa Pilipinas ang WPS na ngayon ay inaagaw ng China gayung hindi pa direktang hawak ng mga ito sa leeg ang mga Pilipino.

Iginiit ng mambabatas na kung talagang nais ng gobyerno na umunlad ang bansa ay magbukas ng mga bagong industriya na pakikinabangan, hindi lamang ng mamamayan kundi ng bansa sa kabuuan.

Inihalintulad nito ang kaso ng ibang bansa tulad ng Korea at Taiwan na hindi umasa sa foreign direct investment bagkus ay pinaunlad ng mga ito ang kanilang sariling industriya kaya sila asensado.

(BERNARD TAGUINOD)

38

Related posts

Leave a Comment