PAGBUO NG EL NIÑO TASK FORCE, IGINIIT

IMINUNGKAHI ni Senador Win Gatchalian ang pagbuo ng Dept of Energy ng El Nino Task Force na mangunguna sa pagpupulong sa lahat ng power plants at power utilities para magplano ng contingency measures.

Ito ay kasunod ng pahayag ng DOE na maaaring mapailalim sa yellow alert ang Luzon power grid sa darating na mga buwan dahil sa epekto ng El Nino sa hydroelectric power plants

Sinabi ni Gatchalian na dapat kabilang sa contingency measures ang Interruptible Load Program o ILP at kailangang walang maintenance ng planta ng kuryente ngayong summer

Mareresolba o maiwasan anya ang pagnipis sa supply ng kuryente kung lahat ng power plant ay gumagana in full capacity

Idinagdag pa ni Gatchalian na dapat may full contract para sa ancillary reserves ang National Grid Corporation of the Philippines dahil solusyon din ito para maiwasan ang blackouts

Muling iginiit ni Gatchalian na dapat ay matagal ng pinaghandaan ng mga kinauukulang ahensya ang posibleng epekto ng El Nino sa supply ng kuryente.

(Dang Samson-Garcia)

73

Related posts

Leave a Comment