BANGKAY NG LGBT NADISKUBRE SA BANGIN

BATANGAS – Isang hindi pa kilalang bangkay ng umano ay miyembro ng LGBT, ang nadiskubre sa ilalim ng bangin sa gilid ng kalsada sa Brgy.Ticub, sa bayan ng Laurel sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga.

Ayon sa report ng Laurel Police, nadiskubre ng isang electrician na mag-aayos ng sirang street light, ang bangkay dakong alas-8:00 ng umaga.

Nakita umano nito ang bahid ng dugo sa semento at nang sundan ay humantong sa bangin.

Lumabas sa imbestigasyon na may tama ito ng hindi pa matiyak na armas sa ulo.

Walang anomang identipikasyon na nakuha mula sa biktima na tinatayang nasa edad 30 hanggang 35 anyos.

Hinihinalang isa itong gay o binabae dahil nakasuot ng bra na kulay maroon, blonde ang buhok at naka-nail polish ang mga kuko.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima at ang motibo sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)

352

Related posts

Leave a Comment