BANTAY-PRESYO HIGPITAN NGAYONG SEMANA SANTA

PINABABANTAYAN ng isang mambabatas sa Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) ang mga nagsasamantalang negosyante ngayong Semana Santa.

Ginawa ni Agri party-list Rep. Wilbert Lee ang panawagan matapos mapaulat na nagtaasan ang presyo ng isda at gulay ngayon gayung may sapat na suplay naman umano sa mga produktong ito.

“While it is natural for the retail prices of vegetables and fish to go up during the Holy Week, dapat pa ring magpatupad nang mas mahigpit na pagbabantay ang DA at Department of Trade and Industry (DTI) sa presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na sa linggong ito,” ayon sa mambabatas.

Mismong ang DA aniya ang nagsabi na inaasahan ang 10 hanggang 20 porsyentong taas sa retail price ng isda dahil umiiwas munang kumain ng karne ang mga Katoliko ngayong Mahal na Araw.

Gayunpaman, hindi nagtakda ng suggested retail price (SRP) ang DA kaya walang ideya ang mga consumer kung magkano lamang ang dapat itaas sa presyo ng isda at gulay.

Dahil dito, hindi maiwasang magsamantala ang mga negosyante at tubuan ng mas mataas sa 10 at 20 percent ang kanilang paninda.

Hindi lang aniya mga pamilihan sa Metro Manila ang dapat bantayan ng DA at DTI kundi lahat ng palengke sa buong bansa upang maproteksyunan ang consumers laban sa mga nagsasamantala.

(BERNARD TAGUINOD)

33

Related posts

Leave a Comment