P2.7-M SHABU NASABAT SA DRUG QUEEN

Camp Gen Alejo S. Santos, City of Malolos, BULACAN — Tinatayang P2.7 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng Bulacan PNP sa tinaguriang “drug queen” sa Barangay Calvario, Meycauayan City sa lalawigan noong Marso 24, 2024.

Kinilala ni PCol. Relly Arnedo ang naarestong suspek na si Lalaine Dionisio, 30, dalaga, ng Barangay Malhacan, Meycauayan, at isang Cherry Pie Ibo, 29, dalaga, ng Barangay Calvario, Meycauayan City.

Ayon kay Arnedo, sina Dionisio at Ibo ay arestado sa buy-bust operation sa Sitio Sampalukan, Meycauayan City.

Nakumpiska ng Meycauayan City Police Station ang anim na sachet ng hinihinalang shabu, na tinatayang 402 gramo at nagkakahalaga ng P2,733,600 (Standard Drug Price, SDP).

Sinabi ni Arnedo, anim pang drug offenders ang naaresto sa magkahiwalay na drug sting operations ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Balagtas at City of San Jose Del Monte (CSJDM) PS.

Labing-anim na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P37,400 (SDP) at cash ang nakumpiska sa operasyon.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang naarestong mga suspek at ang nakumpiskang mga ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri.

(ELOISA SILVERIO)

47

Related posts

Leave a Comment