DEAD on the spot ang isang 34-anyos na lalaki habang hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 9-anyos batang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa loob ng isang barong-barong sa Barangay 649, Baseco Compound Port Area, Manila noong Lunes ng hapon.
Kinilala ang target ng suspek na si Rusty Lipusan na agad namatay sa insidente habang idineklarang dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang batang si alyas “Uyag”, kapwa residente ng nasabing lugar.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel “Mike” Gomez, station commander, bandang alas-4:40 ng hapon, pinasok ng isang hindi kilalang suspek ang bahay ng pamilyang Kali.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang gunman at iniwang patay si Lipusan na tadtad ng bala.
Agad namang isinugod ni Abdul Kali ang anak na si “Uyag” sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.
Patuloy ang pangangalap ng testigo ang mga tauhan ni Gomez upang malutas ang krimen.
(RENE CRISOSTOMO)
270