BATA NALUNOD, 2 PINSAN NASAGIP SA QUEZON RIVER

QUEZON – Nalunod ang isang 10-anyos na batang lalaki habang nailigtas ang dalawa nitong batang pinsan habang naliligo sa ilog sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga.

Ayon sa report ng Candelaria Police, dakong alas-11:30 ng umaga, naliligo ang tatlo sa Masin River sa Sitio Baloyboy, Brgy. Masin Sur, nang mapunta ang mga ito sa malalim na bahagi ng ilog.

Nakita naman ng mga bystander ang pangyayari na mabilis na sumaklolo.

Agad sinagip ang tatlo at isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ang batang lalaki.

Nasa ligtas nang kalagayan ang 10-anyos at 9-anyos nitong pinsang mga babae.

Ayon sa pulisya, hindi batid ng mga magulang ng mga biktima na naligo ang tatlo sa ilog na tinatayang may lalim na 60 feet. (NILOU DEL CARMEN)

30

Related posts

Leave a Comment