BIGO SA JOB HUNT, NAGBIGTI

PINANINIWALAANG dahil sa pagkabigong makahanap ng trabaho, nagpasyang magpakamatay ang isang 44-anyos na lalaki sa pamamagitan ng pagbibigti sa kanilang bahay sa Brgy. 104, Tondo, Manila nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Dennis Sargantes, ng nabanggit na lugar.

Base sa ulat na ipinarating kay Police Captain Dennis Turla, bandang alas-10:20 ng umaga nang madiskubreng nakabigti ang biktima sa nylon rope na nakatali sa steel bracket.

Agad itong isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, subalit dakong alas-10:45 ng umaga ay idineklarang dead on arrival ni Dr. Cristine Plazo.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, nakararanas ng depresyon ang biktima dahil sa kawalan ng hanapbuhay. Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung may nangyaring foul play sa insidente.

(RENE CRISOSTOMO)

 

298

Related posts

Leave a Comment