BINATA ARESTADO SA INTERNET TAPPING, THEFT

ARESTADO sa bisa ng dalawang warrant of arrest ang isang 27-anyos na binata dahil sa kasong paglabag sa Cable Internet Tapping Act of 2013 at theft, nang matunton sa piitan ng Sta. Ana Police Station 6 sa Maynila noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si John Victor Aquino, jobless, ng Onyx Street, San Andres Bukid.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Jason Aguillon, commander ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station 6, bandang alas-5:00 ng hapon nang isilbi ng mga awtoridad ang dalawang warrant of arrest sa nasabing suspek sa nabanggit na himpilan.

Ang suspek ay maaaring maglagak ng piyansang P10,000 at P30,000 para sa pansamantala niyang paglaya. (RENE CRISOSTOMO)

82

Related posts

Leave a Comment