BINATA ITINUMBA SA ONSEHAN SA PERA

QUEZON – Patay ang isang 25-anyos na binata matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Sitio Baloboy, Brgy. Masin Sur, sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi.

Ayon sa report ng Candelaria police, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktimang si Christopher Taliente Perez at tinatahak ang barangay road nang harangin ito ng suspek at pinagbabaril na agad nitong ikinamatay.

Napag-alaman na ang biktima ay may mga dating kasong may kinalaman sa illegal drugs at robbery.

Ayon kay P/Lt. Col. Bryan Merino, hepe ng pulisya, may ‘person of interest’ na sila at isa sa kanilang tinitingnang motibo sa krimen ay personal na alitan na may kinalaman sa onsehan sa pera.

(NILOU DEL CARMEN)

 

312

Related posts

Leave a Comment