BATANGAS – Patay ang isang binata makaraang tadtarin ng saksak ng kanyang kaalitan na isang 17-anyos na binatilyo sa Brgy. 5 sa bayan ng Lian, sa lalawigan noong Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktimang si John Pert Luis Mendoza, 19-anyos, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa report, dakong alas-9:00 ng gabi, nakatayo ang biktima sa lugar kasama ang kanyang mga kaibigan, nang dumating ang suspek na si alyas “Kuya” at biglang inundayan ng sunod-sunod na saksak si Mendoza.
Isinugod ang biktima sa Apacible Memorial District Hospital sa Nasugbu, subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.
Naaresto naman ng mga pulis ang suspek na nahaharap sa kasong murder. (NILOU DEL CARMEN)
49