PINIGIL ng nakatalagang security guard sa department store ang isang 20-anyos na binata makaraang mabigong maipakita nito ang resibo sa bitbit niyang cosmetic products sa Barangay 860, Pandacan, Manila, noong Martes ng umaga.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, commander ng Manila Police District – Pandacan Police Station 10, ang suspek na si alyas “Joshua”, jobless ng Tondo, Manila.
Ayon sa ulat ni Lester Lozano, 40, security officer ng department store, bandang alas-9:30 umaga nang sitahin niya ang suspek habang bitbit ang iba’t ibang cosmetic products na P3,000 ang halaga.
Wala umano itong maipakitang resibo kaya agad itong pinigilan saka dinala sa security office.
Matapos mai-blotter sa security office ay dinala ang suspek sa MPD Pandacan Police para kasuhan ng theft (shoplifting).
(RENE CRISOSTOMO)
