BLOODLESS DRUG WAR IBINIDA NG PDEA

IPINAGMALAKI ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na bumaba ang bilang ng mga nasawi sa drug war ng pamahalaan sa panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ng PDEA na mahigit 95 percent ang ibinaba nito kumpara sa giyera sa droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakapagtala mula Hulyo 1, 2022 hanggang Disyembre 31, 2023 ng 195 drug suspects lamang ang ‘nasingil ang buhay’ dahil sa operasyon ng bawal na droga.

Kumpara umano ito sa parehas na panahon noong termino ni Duterte na mayroong 3,968.

Bumaba rin ang mga naarestong drug suspects na mayroong 75,880 mula sa dating 119,058.

Isa sa mga nakita ng PDEA ang pinaigting ng intelligence gathering at kumpara sa marahas na kampanya noong Duterte administration.

(JULIET PACOT)

41

Related posts

Leave a Comment