Sa buwis sa cross-border services BIR TATALUPAN SA SENADO

NAIS ni Senador Win Gatchalian na imbestigahan ang pagpapataw ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng 25% withholding tax at 12% VAT sa lahat ng cross-border services na ibinibigay ng mga non-resident foreign corporations (NRFC).

Nagbabala si Gatchalian na maaari nitong itaboy ang mga dayuhang mamumuhunan.

“Maaari nitong itaas ang halaga ng pagnenegosyo sa bansa, na lalong magpapahina sa pakikipagkumpetensya ng bansa sa buong mundo pagdating sa pag-akit ng mga dayuhang mamumuhunan,” pahayag ni Gatchalian.

Tinukoy ng senador ang BIR Revenue Memorandum Circular (RMC) 5-2024, na nagsasaad na ang mga serbisyong ibinibigay ng isang dayuhan sa isang Philippine entity ay binubuwisan na.

“Kailangan nating suriing mabuti ang lahat ng mga ini-isyu ng BIR na nagpapatupad ng mga batas at desisyon ng Korte Suprema. Dapat nating tiyakin na ang mga ito ay saklaw ng batas at desisyon ng kataas-taasang hukuman,” paliwanag ng senador.

Ito ang nakapaloob sa inihain niyang Proposed Senate Resolution No. 955.

(DANG SAMSON-GARCIA)

47

Related posts

Leave a Comment